Siya si jersey, siya ang kapatid ko na sumunod sa akin. Sa mga oras na ginagawa ko tong blog na to siya naman ay bumabyahe papuntang airport. Tama!, sa airport siya papunta. Magtatrabaho na kasi siya sa Dubai. At habang nagta type ako ng blog na to walang tigil din ang mata ko sa pagluha. Sobrang nalulungkot kasi ako na aalis siya. Sanay naman ako na malayo kami bilang di naman kami magkasama talaga. Pero iba na ngayon kasi milya milya na ang magiging agwat namin.
Sa lahat ng kapatid ko siya na siguro ang pinaka nakakaintindi sa ugali ko. Alam niya kung kelan ako masaya, malungkot o kaya may problema. Kaya ma mi miss ko talaga siya. Dalawang taon din siyang mawawala. Hanga talaga ako sa kanya sa lakas ng loob niyang makipagsapalaran sa ibang lugar na wala siyang kakilala. Inaalala ko pano na lang pag nalungkot siya wala siyang pamilya dun pero nag sacrifice siya para din naman kasi sa dalawang baby niya eh. Sana kaya kasi ng sweldo ko na suportahan silang lahat para di na siya umalis. Isa pa kasi sa mga kinalulungkot ko eh maiiwan niya yung mga anak niya. Alam ko kasi yung feeling na wala ang mga magulang. Sayang nga di pa siya umabot sa bday nila next month.
Sana mabilis dumaan yung araw na gigising na lang kami eh 2014 na para makasama namin ulit siya. Sana alam niya kung ganu siya kamahal ni ate. Yung totoo, di naman talaga dahil sa may pasok ako mamaya kaya ayaw kong sumama pag hatid sa kanya. Ayaw ko lang talaga makita siyang umalis kasi alam ko bubuhos ang luha ko. Ayaw kong makita niyang nalulungkot kami kasi kahit di yun magsabi alam ko malulungkot lalo siya. Kaya nga kanina kahit hating gabi na dinala ko siya sa Jollibee. Favorite niya kasi yun eh. Yun yung lage niyang pinabibili sa akin nun nung mga bata pa kami tuwing makukuha ko yung allowance ko sa simbahan.
Eto na ang pinakamahabang blog ko dito sa tumblr, ang bottom line lang naman eh Mami MISS ka ni ate, ingat ka palagi jersey O_O.
Hard core ang pagka miss O_O
Alam mo yung salitang miss? Yun na yun ang nafi feel ko as of this moment. Miske makita ko lang siya okay na. Grabe nami miss ko siya. Kasi pag nasa paligid siya kinikilig ako ng over and beyond. Kelan ko kaya siya ulit makikita? Balita ko kasi limited na lang ang pag asa kong makita siya in the near future :( . I Miss you HARDCORE na pagka miss O_O.
Eto yung unang araw na nakita ko si crush. Wala akong idea na may ganito palang ka office mate ang mga kaibigan ko sa HP. Define back off? yan ang initial reaction ko ng dumating sya sa pwesto namin. Literal na napaurong ako. Unang impression ko sa kanya “Mukhang matalino to huh”. And from that moment alam kong may spark sya sa akin. Hahaha spark daw oh?! BTW sya yung naka blue dito sa picture, yung chinito.



